Ang punong 'Balete' na saksi ng kasaysayan— a review
Tagumpay ang produksyon ng 'Balete' sa pagsalamin sa maikling kwentong tumatalakay sa mga tema ng kasaysayan, kapangyarihan, at pagkakasala, sa konteksto ng kolonyal na nakaraan ng Pilipinas. Halaw sa orihinal na teksto ni National Artist F. Sionil Jose, umiikot ang kwento sa isang malaking puno ng balete, na sumisimbolo sa malalim na ugat ng kasaysayan at ang patuloy na madilim na anino ng karanasan ng bansa sa ilalim ng kolonyalismo at ang mga personal na bubog ng mga Pilipino.
Sa karakter ni Nonie Buencamino, nakikilala ng pangunahing tauhan ang puno ng balete at naririnig ang mga kwento kung paano ito nauugnay sa iba’t ibang trahedya at kamatayan. Habang nagmumuni-muni ang tauhan sa kahulugan ng puno, nagiging metapora ito para sa hindi pa natutugunang trauma at mga sugat ng kasaysayan na patuloy na bumabalot sa mga tao at sa bayan. Tinutuklas ng kwento ang komplikadong alaala ng kolektibo, ang bigat ng nakaraan, at kung paano hinuhubog ng mga kawalang-katarungan ng kasaysayan ang kasalukuyan. Masining ang pagganap ni Nonie at ang kolektibong pagganap ng ensemble.
Maganda ang pagkakahabi ng bawat elemento ng produksyon-- mula sa pagpapahalaga ng gustong sabihin ng orihinal na teksto at kung bakit mahalaga pa ring isyu ito ngayon, ang masining na pagganap ng mga aktor, ang disenyong tunay na nagbibigay ng palaisipan at pangamba, at musika't tunog na lalong nagpapaklaro sa kabuuang mensahe ng dula.
— Abubot ni Mae Malaya
Tanghalang Pilipino
#REVOLT
#TP38
#UtakPusoBayan
#Balete2024